AiAi, inggit sa kutis ni Marian!

After the presscon of Tanging Family Valentine Show, hindi na pinagsalita ng kanyang throat doctor ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas. Kaya mamayang gabi handa na siya, with Jose Manalo and Wally Bayola, na makipagtagisan ng kakayahan sa concert ng  Korean pop star na si PSY at 8:00 p.m. sa SM Mall of Asia Arena. Mabuti na lamang at taped na mamayang gabi ang reality show nilang Pilipinas Got Talent na isa siya sa mga judge. Ang dalawa pa ay sina Kris Aquino and Freddie Garcia.

Nakumusta namin si AiAi sa unang pagsasama nila sa movie ng GMA’s Primetime Queen na si Marian Rivera, ang Kung Fu Divas. Enjoy daw siyang katrabaho si Marian na hindi niya alam kung saan kumukuha ng energy kahit pa bago sila mag-shooting, galing ito sa taping ng drama series nitong Temptation of Wife sa GMA 7. 

“Ano ba ’yan, ang ganda ng kutis niya, parang coupon band sa puti, mabait siyang bata. Basta big project ito, parang Tiktik movie nina Dingdong (Dantes). It will be shot in green screen ’tapos CGI na. 

“Hangang-hanga kami sa director-writer-producer naming si Onat Diaz tuwing matatapos ang eksena dahil ang ganda-ganda lumalabas,” sabi ni AiAi.

Natawa si AiAi nang tanungin kung nakuha na niya ang 12.5 percent share niya sa profit ng Sisterakas movie nila nina Kris Aquino at Vice Ganda. Wala pa raw. Waiting pa sila. 

GMA exec makiki-alumnae homecoming

Paki ni Ms. Marivin Arayata ng GMA: “Our Lady of Loreto College will have the Alumnae Homecoming tomorrow, February 17, at the Stella Maris College, Cubao, Quezon City. Registration starts at 9:00 a.m. Please contact Tina Remandaban Resopa at 0915-3352094 or Jojie Rivera-Marcelles at 0916-3637831 (Batch 73 Host Jubilarian) for details.

 

Show comments