Maligaya sa piling ni John Lloyd: ‘Thank you for bringing back my Sunshine, thank you for loving me for who I am’ -Angelica

Ang tweet ni Angelica Panganiban last Valentine’s Day sa kanyang Twitter and Instagram account ang buhay na katotohanan na very much on pa sila ni John Lloyd Cruz.

Sobrang sweet and nakaka-touch ng tweet ni Angelica na ganito ang nakasaad:

“Para sa yo na bumubusog sakin ng pagmamahal.. Sayo na hindi kayang tiisin ang boses ko.. Alam kong sinubukan mo, kaya Salamat :) Sayo na laging nasa tabi ko.. Sa iyong sexy vadehhh kahit ayaw mong maniwala. :-P Sa kalaban kong nagpaiyak sakin sa badminton. (Yes, pikon ako) Sayo love... Thank you.. :) thank you for bringing back my Sunshine. Thank you for loving me for who I am. Happy heart’s day Mahal ko. P. S umayos ka ha? First Vday celebration ko ito.. Ever :) see you later!!!”

Kasabay nitong naka-upload ang mga picture nila ni John Lloyd sa Instagram in different poses na very sweet sa isa’t isa.

Bongga!

Kris mag-aampon ng batang babae

Ayon kay Kris Aquino, okay sa kanya ang mag-adopt ng baby dahil gusto niyang magkaroon ng baby sister sina Joshua at Baby James pero ayaw pa raw ng bunso niyang anak.

“Siguro, maybe when he’s ten, and then you’ll know ’di ba, kung ano? But I’m open to adoption talaga ha? But it will come when my son is ready.

“Kasi si Josh naman goes with the flow eh kasi nasanay na siya, na-take nga niya si Bimb, ’no?! Itong isa, ito’ng kailangan pang ano…” naputol na sabi ni Kris.

Show comments