Sheena ido-donate ang ginupit na buhok sa cancert patient

MANILA, Philippines - Pumayag ang Kapuso actress na Sheena Halili para gupitin ang kanyang buhok para sa kanyang role sa pinaka-engrandeng serye ng Kapuso Network na Indio.

Ibinahagi ni Sheena na isa ito sa mga mahirap na desisyon na kanyang hinarap.

“Siyempre girls want to maintain a long and shiny hair. Pero dahil mahal ko ang trabaho ko at na-challenge ako sa karakter ko bilang Mayang, ginawa naming makatotohanan ang paggupit sa buhok ko,” bahagi niya.

Ang ginupit niyang buhok ay kanyang ido-donate sa isang cancer patient. 

Abangan ang pagbabagong anyo ni Sheena sa Indio, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras.

Show comments