Tinawag na duwag ang mga nasa social media: Robin hindi pinalampas ang mga nanira kay Mariel, naghamon ng bugbugan!

MANILA, Philippines - Hindi nakapagpigil si Robin Padilla kahapon ma­tapos mabasa ang mga paninira sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Nagselos si Mariel dahil sa ma­tinding lovescene nila ni Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw.

May ilang nagduda na gimik lang ang lahat para mag-promote ng kani-kanilang show. Pero totoong may selosan at muntik nang lumayas si Mariel sa kanilang bahay. Kaya naman maaga si Robin. Agad niyang pinuntahan ang asawa sa programa nitong WowoWillie para manghingi ng tawad. Lumuhod siya sa harap ng asawa na nakatutok ang kamera. Nagkapatawaran. Pero napikon si Robin sa sinasabi ng ilan kaya nag­hamon siya sa kanyang Instagram account.

Robinhoodpadilla: Mga kababayan hinamon ko na lahat ang umaapi sa asawa ko kanina sa wowo­willie kaya kung kaya ninyong panindigan pa ang kalapastangan niyo sa asawa ko. Andito ako ngayon sa mile long bldg. sa dulo ng pasay road, Hit studio. Tara dito wag natin daanin dito sa social media kasi walang mangyayari sa salita, kung babae ka, mawalang galang lang po pero  magdala ka ng kuya mo o boypren o kahit na sinong lalaki na ipaglalaban ka dahil hindi nang roromansa ang kamao ko ng dilag. Mag aantay ako dito, Game lets rumble mahal ko ang asawa ko kaya tumahimik ang duwag @jhesambasty @charlotte_kawaii@sas0514.

Show comments