MANILA, Philippines - Nagkaroon pala ng problema sa dapat ay next proÂject na pagbibidahan ni Carla Abellana sa GMA 7 after ng teleseryeng Makapiling Kang Muli na pinagbidahan niya. Kaya ngayon ay naghihintay pa siya sa susunod niyang trabaho.
“Actually, meron na sana pero talagang pinag-iisipan pa nang mabuti ng GMA kung itutuloy nila iyon dahil sobrang matrabaho siya. At bukod doon, magastos pa,†sabi ni Carla.
Naikuwento rin niya na fan siya ng tambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista kaya minsang nanood siya ng Forever ay na-touch siya.
“Actually, isang episode pa lang ang napanood ko. Nakakaiyak ang part na binugbog ang character ni Geoff, ’tapos pinaghiwalay sila ni Heart. Nakakaawa… sobrang convincing. Inggit ako sa kanila. Hindi dahil sa magka-love team sila kasi ang ganda ng chemistry nila,†papuri niya sa serye ng boyfriend.
Sa isang recent interview dito sa PM ay may nasaÂbi si Geoff na kapag nag-propose siya, gusto niyang within three to six months ay kasalan na.
“Siyempre church wedding ang gusto ko dahil ako’y Catholic. Importante iyon, kahit sa pinakamaÂliit na simbahan.
“Alam ko na kung sino ang videographer, ang florist, ang photographer. Groom na lang ang wala, at saka date,†biro ng Kapuso actress.
“Para kung dumating man ’yung day na iyon, dire-diretso na. Na bago pa siya magpo-propose, dapat nakaayos na lahat or secured na lahat. So, matagal pa bago ’yung time na ’yun dumating.â€
Ang feeling ng marami, sina Carla at Geoff na ang magkakatuluyan. Ano ang masasabi ng Kapuso actress dito?
“Eh sana naman! ’Di ba? Huwag lang nila feeling... ipagdasal din sana nila,†sabi ni Carla.
Pero ready na ba siya in case mag-propose na ang aktor?
“Hindi pa. Definitely not now, not soon. Ang dami pang kailangang ayusin bago ako maging prepared for that,†sagot niya.
May dream wedding set-up na ba siyang naiisip?
“Sus! Bata pa ako may dream wedding na ako. Dalawa kami ng ate ko,†mabilis na tugon ni Carla.