Kinalimutan ang fans TV exec inako ang pagsikat ng kanilang mga artista

Totoo kayang ipinangako ng isang TV executive na kaya niyang mapalipat sa kanilang network ang ilang malalaking artista dahil siya ang nagpasikat sa kanila? Hindi kaya niya naisip na ang fans at tagasubaybay ng mga artistang sinasabi niya ang nagpasikat sa kanila? 

True na siya ang nagbigay ng projects pero kung hindi ito tinangkilik ng audience, sisikat ba ang mga artistang ito? Hindi naman lahat ng artista at mana­gers ay sa pera-pera na lamang.

Jennylyn tinitiis ang hirap sa Indio

Elated at thankful si Jennylyn Mercado nang muli siyang mag-renew ng another three-year, exclusive and guaranteed contract sa GMA Network na may TV coverage pa ang contract-signing session. Pasasalamat ito ng mga bossing ng network sa pagiging loyal ni Jen for 10 years na, simula nang manalo siya sa StarStruck. Katuwiran naman ni Jen, wala sa isip niyang lumipat dahil walang ginawang masama sa kanya ang GMA, sinuportahan pa siya sa lahat kahit pa noong mabuntis siya sa anak na si Alex Jazz. 

Ayaw na pala niyang pag-usapan ang tungkol sa ex-boyfriend. Respeto na raw lamang sa kanilang anak na ayaw niyang magamit sa publicity. Basta magtatrabaho na lamang siya para sa network at para kay Jazz. Kaya pangako niya, hindi siya magbabago at gagawin niya ang lahat para sa ikauunlad ng kanyang career at sa ikabubuti ng GMA Network. 

Nagpasalamat din si Jen sa lahat ng mga sumusubaybay sa Indio na kahit daw medyo hirap siya dahil sa three layers na costume niya, gustung-gusto niya ito dahil first time niyang makagawa ng epic serye. 

Tungkol naman sa bidang si Sen. Bong Revilla, Jr., wala raw ipinagbago ang ugali nito at husay sa acting simula pa nang magkasama sila sa Resiklo.

Show comments