Nasa bungad kami ng venue sa isang party at ang mga ka-table ko, kinilatis ang mga dumarating na bisita. Pumapasok pa lang ang isang talent maÂnager, naibulong agad ang chismax tungkol sa looking rich na guest.
‘‘Akala mo kung sinong umasta,’’ puna ng isang baklesh. ‘‘Nakulong na pala siya dahil sa isang estafa case.’’
Akala natin wala namang nakukulong sa mga utang. Hindi naman pala nangutang kundi nag-swindle. Manggagantso pala!
Mommy ni Sarah nakakuha ng kakampi, pera nasa mabuting kamay daw!
Nag-react ang isang very close kay Mommy Divine tungkol sa item namin kahapon. Nilinaw niya ang issue at ipinagtanggol ang controversial mother ni Sarah Geronimo.
‘‘Kahit very strict si Divine, na-maintain niya ang very simple lifestyle hanggang ngayon,’’ simula ng aming source. ‘‘Wala siyang luho sa katawan kaya’t masinop sa pera. Every single peso her daughter earns is in good hands.’’
Kaya pala bukod sa kanilang posh residence sa St. Charbel Executive Village, nakabili na ng tatlong prime lots sa MindaÂnao Avenue sa Quezon City sila Sarah. Malapit lang sa kanilang bahay ang mga lote. Ang unang dalawa, may mga maunlad na negosyo na. Ang pangatlo, pinatatayuan ng isang bagong building!
Sa ngayon, hindi na puwedeng tapak-tapakan ng mga taong dating umapi sa kanila.
Aba, meron akong kilalang isa sa mga nang-mata noon kina Sarah G. Ibubulong ko sa inyo kapag nagkita tayo ng personal.
TV personality sinusunggaban lahat ng ex-deal na damit, takot mabawasan ang P2K na tf
Please lang, huwag naman ninyong pintasan ang isang TV personality tungkol sa kanyang mga isinusuot sa show. Napansin nila na kahit ano na lang ang kanyang get up, basta libre dahil bigay ng mga naka-tie up na sponsor ng palabas.
Ano pa naman ang matitira sa talent fee niyang P2,000 (lang?) kung siya pa ang bibili ng mga mamahaling damit? Dagdag pa rito ang pang-gasolina ng kotse at ibang expenses!
I Do Bidoo… kasali sa main competition NG Osaka filmfest
Kasali sa main competition ng Osaka Asian Film Festival from March 8 to 17 ang I Do Bidoo Bidoo. Ang magwawagi ng grand prize ay may cash prize na half-million yen o mahigit P200,000.
Mananalo ng premyong 200,000 yen o P89,000 ang mapipiling most promising talent.
Gina ipinakita ang iba’t ibang klase ng iyak sa pelikulang inayawan ni Nora
Si Nora Aunor pala ang unang inalok ng title role sa indie film na Mater Dolorosa ni Adolfo Alix, Jr. Napunta ang role kay Gina Alajar, sa pelikulang kalahok ngayon sa Rotterdam International Film Festival.
Napanood dito ang iba’t ibang klase ng pag-iyak ni Gina, isa ring mahusay na direktor but first and foremost a very competent actress.