Marian hindi na kinaya ang dami ng trabaho!

Never palang nag-absent at first time lamang nag­kasakit ang Primetime Queen ng GMA Network sa taping niya ng Temptation of Wife, ayon sa Executive Producer ng top-rating soap ni Marian Ri­vera. Matinding sakit ng ulo na halos naluluha na si Marian, pero ayaw pa rin nitong umalis sa taping nila last Monday. Alam kasi niyang ang itini-tape nila ay siya ring ipalalabas kinagabihan, iyong sa isang event na magkasama si Chantal (Marian) at Marcel (Dennis Trillo) ay biglang susugod si Heidi (Glaiza de Castro) at aawayin si Chantal. 

Umalis na lamang si Marian, kahit nahihiya sa mga kasama sa taping, nang si Direk Dominic Zapata na ang nagpauwi sa kanya at itinuloy na lamang ang taping ng mga eksenang wala si Marian.

Kahapon, hindi rin muna nakapag-shooting si Marian ng My Lady Boss with Richard Gutierrez, pinagpahinga muna siya dahil everyday pala, kung walang taping ng Temptation of Wife, nagsu-shooting naman sila ni Richard ng movie na co-production venture ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. kahit Saturday and Sunday.

Anyways, kung fan ka ni Chantal at gusto mong magaya ang character niya, manood ng Fashbook hosted by Solenn Heussaff mamaya at 10pm sa GMA News TV. 

Georgina gusto na ring mag-teleserye!

 Matagal-tagal na rin sa showbiz si Georgina Wilson na lalong kilala sa pagiging commercial model, pero alam ba ninyong dream din pala niyang umarte at makagawa ng isang teleserye? Pero sabi niya sa launch ng Ginuman Fest ng Ginebra San Miguel kailangan din niyang paghandaan iyon. Biniro siya kung mahusay ba siyang mag-Tagalog kung sasabak siya sa teleserye, oo raw naman at nag-Tagalog nga siya. Pero saka na raw iyon dahil busy siya sa 15-leg tour ng Ginuman Fest na nagsimula na noong January 19 sa Plazuela, Tarlac City.

Show comments