MANILA, Philippines - Dati ay nagkalat sa Manila at iba’t ibang bahagi ng Luzon ang mga tinatawag na viajero, o mga naglalako ng tindang gawang rattan at kawayan mula Pangasinan. Sinusuyod nila ang mga kalsada bitbit ang mga produktong pasan ng kanilang mga baka.
Ngayon, iilan na lang sila. Sa ibang bahagi ng siyudad, bisikleta o kuliglig na ang gamit ng mga manlalako, imbes na baka, para magtinda.
Makikilala ni Howie Severino ang ilan sa mga natitirang viajero. Sila ang mga tradisyonal na tindero na nagbibigay sulyap sa isang panahong nagdaan, at sa isang kulturang malapit nang makalimutan.
Samahan ang kanilang paglalakbay sa mga kalsada ng Silang, Cavite at Maynila sa dokumentaryong Viajero sa I-Witness, 11:30 p.m., sa GMA 7.