Female celeb na atat magpa-interview, inisnab-isnab ng press!

MANILA, Philippines - Paikut-ikot ang isang female celeb sa grupo ng press na nalaman niyang dumating sa isang showbiz event. Feeling tuloy ng mga writer, gustong magpa-interbyu sa kanila ng celeb dahil lumipat na sila ng ibang puwesto ay aali-aligid ang celeb sa grupo.

Siyempre, dinedma lang ang celeb ng press. Tutal naman luma na ang dating ng celeb kaya feeling nila mai-edit lang ang isusulat nila sa celeb kung sakaling pauupuin nila’t kausapin.

Eh dahil walang nagpapaupo sa celeb upang kausapin ng press, lumayas na lang siya nang walang paalam. Knows din kasi ng press na matakaw sa publicity ang celeb pero kesa pag-aksayahan pa ng espasyo sa columns, super dedma ang mga malditang press sa celeb!

Long Mejia nasilaw sa maraming pera at naloko sa mga babae kaya nawalan ng career

Inamin din ni Long Mejia na kasalanan niya kung bakit hindi nagtuluy-tuloy ang kasikatan niya. Tina­guriang bagong Apeng Daldal ang ko­medyante nung umingay ang pangalan niya sa GMA shows, ang natural niyang husay sa pagpapatawa ang na­ging dahilan upang sulutin siya ng ABS-CBN.

Sa isang taon na kontratang pinirmahan sa Dos, tatlong shows agad ang ibinigay sa kanya. Nalunod siya sa tinatanggap na pera kada suweldo kaya naman doon na nagsimula ang pagiging babaero niya’t pagiging waldas pagdating sa mga kaibigan.

“Dumating sa puntong nagdadala pa ako ng babae sa set. Eh bawal na bawal ’yon pero wala akong pakialam. Hanggang sa unti-unti nawala ang shows ko. After a year, wala na akong show. Wala na ring maibigay sa akin ang Dos.

 â€œNaging dahilan iyon upang magpaalam ako kasi ’yung offer ng TV5, three years na contract. At least, sure ako sa kikitain ko eh pamilyado akong tao. Kahit ang Lokomoko lang ang show ko ngayon, naniniwala ako na sa mga bagong show na gagawin ng TV5 ay mabibigyan pa ako ng dagdag na show,” tsika ni Long na kasama sa cast ng Raketeros na kinabibilangan din nina Mayor Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Andrew E., Dennis Padilla, at Joey Marquez.

Kaya ngayon ay behaved na si Long. Papasukin na rin niya ang pulitika bilang konsehal ng isa sa bayan ng Bulacan. Pagdating sa mga babae, ayon kay Long, “Gaya ng karne, pangsahog na lang siya sa buhay ko. One fourth, one fourth na lang kung bumili. Hindi kagaya noon na kilu-kilo! Hahaha!”

 

Show comments