MANILA, Philippines - Pinasadya palang talaga ng GMA ang wig na gamit ni Marian Rivera sa Temptation of Wife. Mahigit P50K ang halaga nito kaya nagmukhang totoo.
Nang sumaglit nga si Yan-Yan sa birthday party ni Tito Alfie Lorenzo last Wednesday sa Imperial Hotel, pinahawakan pa niya ang kanyang buhok. Parang totoo nga ’yon na kahit hila-hilahin mo ay hindi basta matatanggal.
No wonder, kahit sabu-sabunutan siya ni Glaiza de Castro sa series, hindi basta-basta ito nahahablot.
Anyway, kung pinag-uusapan ngayon ang sexy cover ni Marian sa FHM, mas abangan ninyo ang mas matapang niyang pagpapaseksi sa isang magazine bilang summer issue nito. Ipinakita ni Marian sa press ang ilang pictures na nasa cell phone niya.
Buong pagmamalaki niyang sinabi na, “Walang niretoke riyan, ’no?â€
Judy Ann at Sunshine tiniis ang birthday ng manager para makaiwas sa intriga
Hindi nakarating sina Judy Ann Santos at Sunshine Cruz sa birthday ng manager nilang si Tito Alfie. Hindi naman siyempre makapag-emote ang beteranong kolumnista dahil valid naman ang rason nila.
“Sabi ni Juday baka makalkal na naman ang issue niya sa BIR. Gayundin si Sunshine, umiiwas na matanong tungkol kay Cesar Montano. Kaya absent sila ngayon,†katuwiran ni Tito Alfie.
Nagsidatingan naman ang ilan sa kaibigang artista ni Tito Alfie led by Marian at Martin Escudero. Unang sumalang naman sa pagkanta si Gerald Santos at saka sinundan ni Paula Cuneta.
Siyempre, biggest surprise sa guests ang pagdating ni Tina Paner. Bumalik ng bansa ang dating member ng The Triplets (siya, Sheryl Cruz at Manilyn Reynes) dahil sa takot sa mga kababayan nating napagbentahan niya ng plane tickets.
Siyempre pa, nahilingan si Tina na kantahin ang signature songs niyang Sana at Tamis ng Unang Halik. Eh hindi alam ng musikero ang Tamis…kaya ’yung Sana na lang ang kinanta niya. Siyempre, if Tina is around, can Daisy Romualdez be far behind?
Yes, present si Daisy sa party at sumunod din ang isa pa niyang anak na si Danita Paner.
Ilan pa sa naging guests ni Tito Alfie ay ang mag-inang Lyn at Bodie Cruz, Joan Maglipon ng YES! magazine, executives ng Channel 2, Popoy Caritativo, Redgie Acuña Magno, Congressman Sonny Angara, at iba pa.
Happy, happy birthday Tito Alfie (na bukas, Sabado, Jan. 26, ang talagang araw ng kaarawan)! (Maligayang kaarawan Tito Alfie! Mwah. – Salve)