Ipina-cremate agad kahapon ang mga labi ng yumaong TV host na si Pepe Pimentel. Nakaburol sa Pinaglabanan Church sa San Juan City ang abo ng 83-year-old TV host.
Natagpuan sa banyo ng kanyang bahay sa Quezon City ang walang buhay na katawan ni Tito Pepe. Sa initial investigation, atake sa puso ang ikinamatay ng host ng Kwarta o Kahon.
Cong. Sonny sina Sarah at Coco ang endorser
Very lucky naman si Congressman Sonny Angara dahil sina Sarah Geronimo at Coco Martin ang mga celebrity endorser ng kanyang kandidatura sa Senado. Malaki ang maitutulong ng dalawa sa kampanya ni Papa Sonny na nangangayayat dahil may diet program para sa kanya ang misis niya.
Edukasyon ng mga kabataan at pagtulong sa mga senior citizen ang mga advocacy ni Papa Sonny sa pagtakbo niya sa Senado sa May 2013.
Gustung-gusto nina Sarah at Coco ang mga advocacy ni Papa Sonny kaya suportado nila ang kandidatura niya.
Primetime show na malaki ang budget tsugi na agad hindi pa naipapalabas
Shelved ang primetime show ng isang TV network dahil masyadong malaki ang budget.
Nalungkot ang mga artista ng progÂrama pero wala silang magagaÂwa dahil umiÂral ang desisyon ng management.
Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa dahil naghahanap ang manageÂment ng bagong project para sa kanila.
Hindi inaasahan ng mga artista na matsutsugi ang kanilang show dahil ipinapakita na ang television teaser nito.
Seduction magkakaroon ng malaking celebrity screening
Magkakaroon ng celebrity screening ang Seduction sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City sa Martes.
Invited sa celebrity screening ang celebrity friends nina RiÂchard Gutierrez at Solenn Heussaff, ang mga star ng Seduction.
Next week na ang showing sa mga sinehan ng pinakahihintay na pelikula ng Regal Entertainment, Inc.
Richard iikot sa Star Group
May publication tour ngayon si Richard Gutierrez at kasama ang Star Group of Companies sa mga bibisitahin niya.
Siyempre, hindi makakaligtaan ni Richard na pumunta sa office ng Philippine Star, PSN, at PM.
Kaya sa mga empleyado ng Star Group of Companies, abangan ninyo ang pagdalaw diyan ni Richard.
Anne at Jasmine mag-aalaga sa ina sa Australia na ooperahan sa tuhod
Ooperahan sa tuhod sa susunod na buwan ang madir nina Anne at Jasmine Curtis-Smith.
Naka-schedule si Jasmine na puntahan ang kanilang madir sa Australia. Aalagaan daw niya ang nanay niya na mahina ang tuhod. MaÂlamang na sumunod din si Anne sa Australia.
Hiwalay na ang mga magulang nina Anne at Jasmine. May iba nang pamilya ang kanilang fadir na naÂririto sa Pilipinas, sa piÂling ng bagong pamilya.