Hanggang ngayon ay hindi pa nagbubuntis si Valenzuela Councilor Shalani Soledad-Romulo. Ngayong Jan. 22 ay one year na siyang kasal kay Congressman Roman Romulo pero wala pa rin ang pinakahihintay na baby nila.
Kahit si Shalani ay gusto nang magbuntis pero hindi pa ipinagkakaloob ng Panginoon sa kanila.
“Since after the wedding we really wanted to have a baby na. Hindi naman kami nagpa-family planning. Wala namang ganun. Basta we really wanted to have a baby,†sabi ng konsehala.
May mga nakuhang advice si Shalani mula sa kanyang mga kaibigan na magpatingin na sila ng kanyang mister sa doktor para malaman kung ano ang problema kung bakit hindi siya mabuntis pa.
‘Yung tiyahin naman niya ay nagsabi pa na sumayaw siya sa fiesta sa Obando, Bulacan para mabuntis siya.
“My friends have been asking me to have a check-up daw. In fact, sabi ng Tita ko last year magpi-fiesta ‘yung Obando, so, sabi niya sa akin, ‘Shalani, nag-reserve na ako ng slots para sa inyo sa Obando.’
“At that time, siyempre, natatawa ka lang. Sabi ko, ‘Tita, wala pa naman kaming one year na kasal. So, hindi pa kailangang sumayaw,’†kuwento ni Shalani.
Pero mukhang kino-consider na niya dahil nagtanong na siya kung kelan ang pista at alam na niya ngayon.
“Sa May pala ang fiesta sa Obando. Hindi sa naniniwala ako pero wala namang masama kung subukan ko.
“I still believe in the power of prayers. Siguro, kung ano ang ipinagdadasal mo, kung makakabuti sa iyo, siguro ibibigay rin sa akin. All in God’s time. Kung kailan ka bibigyan,†pahayag ng councilor-TV host.
Sinabihan din si Shalani na kung gusto niyang magbuntis ay magbawas muna ng trabaho para hindi siya nai-stress. Pero hindi niya pa kayang iwan ang Sunday show sa TV5 dahil kaka-reformat lang nito.
“Part kasi ng Go5 ang pag-reformat ng Game ‘N Go. Ngayon ay Game ‘N Go All Stars na siya.
Mas maraming games at mas malalaki ang prizes.
“Since bagong bihis siya, kailangang kumpleto kami. But I am considering na mag-rest din kasi malapit na rin ang campaign season. Hindi ako puwedeng lumabas sa TV because I am running for congress para sa second district ng Valenzuela.
“Siguro after ng lahat nang ito, the campaign and the election, makakapagpahinga na rin kami and think about the baby,†paliwanag ni Shalani.
Balak ngang mag-second honeymoon ng mag-asawa pagkatapos ng election ngayong Mayo.
Beteranong actor sinupalpal ni direk kaya tumigil sa pakikialam sa isang pelikula
Nagtataka ang staff ng isang TV series kung bakit parating nasa set nila ang isang veteran actor. Akala nila ay kasali ito sa kanilang series at binigyan pa nila ng dressing room na kasama ang bida ng TV series. Pero nalaman nilang hindi naman pala kasali ang veteran actor at bumibisita lang siya sa aktor na kanyang kaibigan.
Wala namang problema kung bumisita ang veteran actor sa kanyang kaibigan. Wala nga naman kasing ginagawa ito ngayon na trabaho kaya marami itong oras.
Pero noong makialam na raw ito sa blocking at pagdidirek ng series, ibang usapan na nga naman. Nagulat na lang kasi ang staff na biglang umaasta na siyang direktor sa set.
Naiinis tuloy ang totoong direktor dahil ginugulo ng veteran actor ang kanyang blocking.
Hindi pa nakuntento ang veteran actor sa pakikialam sa set, nakialam na rin ito sa director’s booth.
May mga suggestions siya sa direktor kung paano gagawin ang eksena. Pero dedma sa kanya ang direktor. Nagpapasensiya na lang dahil ginagalang niya ang veteran actor.
Pero noong i-suggest daw ng veteran actor na mag-take ulit sa maayos naman na eksena, sinagot na na siya ng direktor: “Wala po akong nakitang dapat na i-retake sa eksena. Naghahabol po kami ng araw kaya okay na po iyon.â€
Doon lang lumabas ng director’s booth ang veteran actor at nanahimik na lang sa loob ng tent Mabuti pala na ginawa iyon ng direktor dahil kung hindi ay malamang maagawan pa siya ng trabaho sa pakikialam ng veteran actor.