Carmina at Vina naiyak sa problema ng bagong bida na si Larah

MANILA, Philippines - Kamuntik mapaluha sina Carmina Villarroel at Vina Morales sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na May Isang Pangarap nang mapaiyak ang isa sa dalawang batang bida, si Larah Claire Sabroso, habang iniinterbyu. Nabanggit ng batang taga-Compostela Valley sa Davao, na binaha noong bagyong Pablo, na may sakit ang kanyang ama at gustong matulungan itong maipa-ospital. Nabigyan ng pag-asa ang bata dahil nabigyan break ni Direk Jerry Sineneng.

Para kasing hindi makapaniwala sina Mina at Vina na sa murang gulang ng dalawang batang kasama nila sa May Isang Pangarap ay may ganito nang napakalaking problema. Ang isa pang bata na nabigyan ng suwerte ay si Julia Klarisse Base na walong taong gulang.

Parehong magaling kumanta ang dalawa kaya sa mga nag-audition na umabot sa 100 ay dalawa lang silang napili ng ABS-CBN. Matatandaang sina Vina at Mina ay halos nagsimula rin sa ganitong kamurang gulang noong mag-showbiz.

“Parang nakikita ko nga ang aking sarili sa kanila,” sabi ni Vina na nasa Cebu pa noon nang unang manalo sa isang singing contest.

Kasali rin sa bagong drama series ang ilang batikang artista. Kontrabidang ko­med­yana naman ang role ni Miss Universe ’69 Gloria Diaz. Hilig niyang sumikat sa pagkanta at sayaw pero hindi sumikat kaya ang anak na ginagampanan naman ni Vina ang tinulungang matupad kanyang pangarap.

Si Bembol Roco na parang itutukso kay Gloria ay hindi nakapasa sa panglasa ng huli, kaibigan lang daw ang kanyang turing sa kapareha.

Tinitiyak nang hahataw sa rating ang May Isang Pangarap dahil ang direktor ng Walang Hanggan na si Jerry Sineneng nga ang magdidirek.

 Barbara tumutulay sa bukirin kapag naiimbitahan

 Tumutulay na naman sa mga pilapil sa bukirin ang aktres na si Barbara Milano kapag naiimbitahang dumalo sa mga pistahan, kasalan, namatayan, o binyagan kaya sa Talavera, Nueva Ecija. Okay lang sa kanya dahil ito rin naman ang gagawin niya kapag nahalal na konsehala.

Say ni Barbara, babawiin na ang pagkatalo niya sa nakaraang elekiyon. This time, alam na ni Barang kung anu-ano ba ang pasikut-sikot sa pulitika hindi tulad noong baguhan lang siya at napaikot ng mga trapo.

Show comments