Matapang na news personality nabahag sa mataas na posisyon!

MANILA, Philippines - Nabahag daw ang buntot ng isang matapang na news personality nang isa siya sa maging kuwalipikado upang mamahala ng isang radio station. Lumikha rin kasi ang personalidad na ito nu’ng pumalaot siya sa larangan ng pagbabalita kaya naman marami rin ang natakot sa estilo niya ng pagtuklas ng balita, isyu, at kontrobersiya.

Pero kung walang takot ang personalidad sa mga tiwali ng bayan at mga pusakal na criminal, naaandap din siya sa mga beteranong personalidad na higit na mas nauna sa kanya, huh!  Wari ay hindi niya kayang pagsabihan ang mga ito pagdating sa estilo ng kanilang pagbabalita.

Kaya naman ang personalidad, tumanggi sa mas mataas na posisyon kesa makabangga ang mga taong higit na mas senior sa kanya. Tutal naman, meron naman siyang sariling programa at pagdating sa achievements, hindi naman matatawaran ang naibahagi niya.

Pumalo ang rating...

Pumalo ng mataas na ratings ang unang episode ng Indio ni Senator Bong Revilla, Jr. nu’ng Lunes. Nagtala ito ng ratings na 29.3. To think na hindi pa lumalabas ang senador sa mga susunod na episodes, huh!

Kaya naman nagbunga lahat ng hirap ni Sen. Bong sa paggawa ng Indio. First and last teleserye nga naman niya ito kaya lubus-lubos ang tuwa niya sa magandang pagtanggap ng publiko sa epic-serye, huh!

Sa mga susunod na episodes ng Indio, lalabas si Alden Richards bilang binatang Indio. Makakaniig niya ang tween star na si Bea Binene. Eh, sa huling pag-uusap namin ng senador, ayaw muna niyang ibisto kung kelan siya lalabas.

 

 

Show comments