Richard handa nang maging single dad?!

Nagliliyab ang matinding tagpo ng pagtatalik sa uncut trailer ng pelikulang Seduction. Kitang-kita kung paano nadarang sa apoy ng pagnanasa sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Nakakagulat na biglang naglaho ang wholesome, boy-next-door image ng matinee idol. Sobra naman pala ang bangis niya sa romansa. Nadala rin siya sa walang urungang si Sarah!

Kung anuman ang resulta matapos ang mga eksena sa harap ng camera, hindi natin alam dahil hindi naman natin nakita. Ito nga kaya ang sanhi kung bakit biglang magbabakasyon sa Switzerland ang dating ’di makabasag-pinggang aktres?

Kapag nagkataon, mauulit ang kasaysayan. Kapag naging single dad si Richard, matutulad siya sa kanyang amang si Eddie Gutierrez. Meron na kasing anak ang veteran actor, si Tonton Gutierrez (kay Lisa Lorena), bago isinilang si Ruffa!

Sa mga nangyayari sa hottest couple in showbiz ngayon, imposibleng mahiwalay ang personal sa kanilang career.

CineFilipino filmmaker may istorya tungkol sa lider ng mga komunista

Napili na ang eight finalists sa first CineFilipino Film Festival na tinataguyod ng PLDT-Smart Foun­dation, Unitel Entertainment, Studio 5 (movie arm ng TV5), at Medi-Quest.

Tatanggap ng tig-P1.5 million grant sina Randolph Longjas (Ang Turkey ay Pabo Rin), Janice Perez (The Muses), Sigrid Andrea Bernardo (Ang Huling Chacha ni Anita), at Miguel Alcarazen (Puti). Silang apat ay first time gagawa ng full-length feature film.

Kasama rin sa finalists sina Ato Bautista (Mga Alaala ng Tag-ulan), Red Bryant (Bingoleras), Mes de Guzman (Ang Kuwento ni Mabuti), at sina Kiri and Sari Dalena (The Guerilla Is a Poet).

Ang pelikula ng magkapatid na Dalena tungkol sa puno ng Communist Party of the Philippines na si Jose Ma. Sison.

Sorry Ely Buendia, cha-cha ang sayaw ni Anita at hindi ang Huling El Bimbo mo. Musika ni Kitchie Nadal ang gagamitin sa youth rock film na The Muses.

Ipapalabas ang official entries to the first CineFilipino filmfest on June 26 to July 2 sa Gateway, Ali Mall Eastwood, at Newport Cinema. Dadaan kaya ang mga lahok sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)?

Mga celeb na nag-dress code ng pula sa premiere, nag-blend sa carpet at mga upuan ng sinehan!

Kahit hiyang-hiya ay itinuloy ng ilang female celebrities ang panonood ng pelikula sa isang premiere night. Lahat kasi sila ay nagsuot ng pulang damit. Kakulay ng kanilang dress ang red carpet, ang red seats sa teatro, at siyempre ang mga nagkalat na red roses sa venue!

Sexy starlet nakakapagnakaw na dahil sa paghihikahos sa Tate, ididiborsiyo na kasi ng mayamang mister!

Ang sexy starlet na nakatulog sa bahay ng host ng party, together with some former artista friends sa USA na nag-eres tu (nagnakaw) ng cash at valuables ng mga kapwa dating artista, talaga palang naghihikahos na.

Noon palang last birthday niya, ibinigay ng kanyang rich husband ang divorce papers upang pirmahan niya. Hindi pa finalized ang paghihiwalay. Sana humingi muna siya ng malaking alimony bago lagdaan ang mga papeles.

Mahirap ang jobless at penniless sa Tate. Baka mapilitan siyang gumawa ng hindi kanais-nais.

Show comments