Noong 2011 pa pala ang huling teleserye ni Candy Pangilinan sa ABS-CBN. Huli siyang nakasama sa Minsan Lang Kita Iibigan at ang mga sumunod na ay ginawa na niya sa GMA 7 (Hiram na Puso) at TV5 (P.S. I Love You, Bagets: Just Got Lucky).
Ngayon ay kasama na naman si Candy sa bagong afternoon series ng Kapuso Network na Forever na makakasama niya sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, at Gloria Romero.
Say naman ni Candy, may offer naman siya parati from ABS-CBN. Dapat ay isasama siya sa bagong series na ididirek ni Wenn Deramas pero nauna na raw siyang i-cast sa Forever.
“Unahan lang naman ang labanan, ’di ba? Nag-story conference na kami noong tawagan ako ng Dos. Siyempre committed na ako sa Siyete. Pero nakakapag-guest naman ako sa ibang shows doon tulad ng Toda Max.
“Ngayon, same people rin ang may hawak ng Forever. Tsaka originally naman, taga-GMA 7 ako. ’Di ba nasa Mixed Nuts ako noon? Kaya balik-balikan lang tayo.
“At nakakatuwa kasi halos lahat ng eksena ko ay kasama ko si Tita Glo. First time ko siyang makatrabaho at na-starstruck ako ng bonggang-bongga,†sabi niya.
Nine years old na nga ang anak ni Candy na si Quentin at maayos na raw ang communication skills nito after na ma-diagnose na may ADHD o attention deficit hyperactivity disorder noong one year old pa lang ito.
“My son is doing okay. Maganda kasi ang school na pinapasukan niya at ang mga therapist doon ay mahuhusay.
“Kaya maganda ang improvement niya. Ngayon ay may communication skills na siya with other kids his age. At kapag may exams sila sa school ay nasasagot niya ng mabilis at tama.
“Kaya very thankful ako kay God for taking care of my angel. Alam ko na isang malaking pagsubok sa akin ito at sa anak ko but we are surviving every day,†sabi ni Candy.
Hindi dependent si Candy sa kahit sino dahil ilang years na rin siyang walang karelasyon. Matagal na siyang annulled sa ama ng kanyang anak at ang huling karelasyon niya na si GB Sampedro ay wala na rin sa buhay niya.
“Mas okay na single ako. Mas tutok ako sa mga pangangailangan ng anak ko. Siguro nga ina-allow ng Diyos na wala muna akong love life dahil baka mahati pa ang panahon na dapat ay para sa anak ko.
“Kaya okay lang na wala. Sanay naman na tayo sa ganyan. As long as my son is doing fine, sobrang masaya na ako forever,†pahayag ni Candy na magkakaroon ng solo stand-up comedy show sa February titled Candy’s Be U? na produced ng Vivand Productions.