Maraming pinahanga si Kim Chiu sa drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak dahil sa natural nitong akting bilang si Celine, ang tunay na anak ng kinikilalang magulang ni Maja Salvador na sina Janice de Belen at Ariel Rivera.
Sa isang ma-emosyong eksena ay ‘di napigilan ng aktres na humagulgol dahil naka-relate ito sa karakter na ginampanan kung saan sa tunay na buhay ay wala siyang nakilalang ina.
Sa pagbubukas ng book 2 ng Ina, Kapatid, Anak ay mas magiging mainit pa ang magiging banggaan at komprontasyon ng mahahalagang karakter sa istorya.
Magbubukas na ang Book 2 ng Ina, Kapatid, Anak sa January 14 gabi-gabi pagkatapos ng Princess and I.
Eddie saludo sa mga kasamahang artista
Very vocal sa pagsasabi si Eddie Gutierrez na hindi nagkatotoo ang sinabi sa kanya ng isang senior actress bilang aging actor na wala ng proyekto dahil napasama ito sa Ina, Kapatid, Anak.
Samantala, saludo siya sa mga kasamahang artista sa IKA - Pilar Pilapil, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Ariel Rivera at kahit ang mga kabataang artistang sina Kim, Maja, Enchong Dee at Xian Lim. Papasok pa ang karakter ni Alex Medina na Best Actor sa Cinema One Originals Film Festival Awards.
Ang drama series ay mula sa direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.
Car chase sa Jack Reacher, makapigil-hininga
Sa advanced screening ng Jack Reacher tampok si Tom Cruise ay pinuri ng mga manonood ang mahusay na pag-arte ng bida laluna sa mga maaksiyong eksena. Umaatikabong barilan ang mapapanood gayundin ang manumanong pakikipag-away ni Jack.
Makapigil-hininga ang car chase habang hinahabol ni Cruise ang mga salarin na siyang pinaka-highlight ng pelikula.
Palabas na ngayon mula sa Solar at United International Pictures.