Magpapaka-aktor na talaga: Zanjoe inaambisyon nang matuloy ang Korean film!

Marami nga ang pumuri sa ipinakitang acting ni Zanjoe Marudo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na One More Try. Ibang-ibang Zanjoe ang napanood ng marami at inakala pang mananalo siya ng award para sa naturang pelikula.

Pero natalo man si Zanjoe ay nagpapasalamat siya sa maraming magagandang reviews na nakuha ng One More Try. Bonus na ang nakuha nila ang best picture award sa awards night.

Ngayong 2013 ay mas malalalim at makabuluhan na roles daw ang nais niyang gawin. Ang pagiging aktor na raw ang target niya para ma-experience naman niya ang makatanggap ng acting award.

Last year, bukod sa One More Try, ay may ginawa ring indie film si Zanjoe na may titulong Kalayaan. Noong dalhin ito sa Busan International Film Festival in South Korea, na-impress sa kanya ang isang Korean director at nais siyang kunin for a movie na isu-shoot sa Korea mismo.

Natuwa ang aktor sa balita nang sabihin sa kanya iyon ng kanilang direktor sa Kalayaan na si Adolfo Alix, Jr.

Wish ni Zanjoe na matuloy ang kakaibang project para naman may masabi siyang may nagawa siyang international movie.

Sa personal life naman ni Zanjoe ay going strong pa rin ang relasyon nila ni Bea Alonzo.

Live comedy shows pasabog ng Vivand sa pagpasok ng 2013!

Nagsanib-puwersa ang Viva Entertaiment, Inc. at ang live comedy show writer/director/producer na si Andrew de Real para mabuo ang Vivand Productions, Inc.

Bongga ang mga live comedy show na ipo-produce nila na tampok ang mga top gay comedian at mga veteran stage comedienne.

Sa Jan. 18 and 19 ay mauunang ipalabas sa Music Museum sa Greenhills ang Queers of Comedy topbilled by John “Sweet” Lapus, Philip Lazaro, Kim Idol, Ador, and Petit.

Sa Jan. 25 and 26 ay sa Teatrino sa Greenhills din naman mapapanood ang Candy’s Be U? na one-woman show ni Candy Pangilinan.

Sa Feb. 22 and 23 naman ay ire-revive ng Vivand ang classic na Tit For Tat na pangungunahan nina Mitch Valdes and Nanette Inventor.

Noong ‘80s ay naging hit ang comedy act na Tit For Tat na siyang nagpaning­ning nang pagiging comedienne nina Mitch at Nanette. This time ay updated na ang comic situation at magpakita na puwedeng-puwede pa sina Mitch at Nanette sa live comedy shows.

Lahat ng show na ito ay sinulat at ididirek ni Andrew de Real.

For inquiries, call Ticketworld at 891-9999 and Viva Concerts at 687-7236.

Kanye West at Kim Kardashian magkaka-baby na

  Isang masayang New Year ang pasabog ng rapper na si Kanye West at Kim Kardashian dahil magiging parents na sila.

“It’s true! Kanye and I are expecting a baby,” say ni Kardashian sa kanyang personal blog.

“Looking forward to great new beginnings in 2013 and to starting a family.”

Unang ginawa ni Kanye ang announcement na buntis si Kim sa kanyang ginawang concert. Marami ang gustong ikumpirma ito mula sa sikat na reality star na nakilala sa Keeping Up With The Kardashians.

Inamin ng 32-year-old controversial star na she is 12 weeks pregnant.

Una nang nag-date sina Kim at Kanye last April 2012, six months after mag-file ni Kim ng divorce mula sa kanyang husband na si Kris Humphries.

Natuwa rin ang sister ni Kim na si Kourtney dahil alam niyang matagal nang wish nito na magkaroon ng baby.

Ganun din ang kasayahan ng brother-in-law ni Kim, ang basketball player na si Lamar Odom (na mister ng sister niyang si Khloe).

 

Show comments