Lovi magpapaawat na sa horror films, hindi makatulog ng maayos!

In 2013 ay hindi na muna gagawa ng anumang horror film ang tinaguriang Horror Princess na si Lovi Poe.

Ayon sa Kapuso actress na sunud-sunod ang mga horror film na ginawa niya nitong taon, titigil muna siya dahil mas gusto niyang mag-concentrate naman sa drama o gumawa ng comedy.

Ang horror films na ginawa ni Lovi ay ang Guni-Guni, Tiktik: The Aswang Chronicles, at ang Metro Manila Film Festival official entry na Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion.

“It’s a good thing na meron akong Thy Womb with Miss Nora Aunor this year sa MMFF (Metro Manila Film Festival). Para mabalanse naman. Sabi nga nila, quota na ako sa paggawa ng horror films. Tama na iyon.

 “Mahirap din ang lumabas sa mga ganung movie. Akala lang nila madali pero physically and mentally, mahirap siya.

 “Kaya after nitong Shake... ayoko na munang gumawa ng horror film. Siguro gagawa muna ako ng ibang movies, huwag lang horror.

 “Right now, tinatapos namin ang The Bride and The Lover with Jennylyn Mercado and Paulo Avelino. It’s a drama-comedy naman.

 “I also have Lihis with Jake Cuenca and Baron Geisler. Drama naman iyon. Kaya walang horror film sa line-up ko so far in 2013,” pahayag ni Lovi nang makapanayam namin kamakailan.

Inamin pa niya na sa paggawa nang magkakasunod na horror films, hindi na raw siya nakakatulog ng maayos. Hindi niya kasi maalis sa kanyang pag-iisip ang mga eksenang ginawa niya kaya minsan daw ay nagigising siya bigla.

“Mabuti na lang, hindi pa ako binabangungot. Hindi lang talaga ako makatulog nang tama unlike noon when I wasn’t doing horror films. I guess nga, mentally, hindi ko pa kayang i-shut out ‘yung mga ginawa kong mga nakakatakot na eksena.

 “Sabi nga ng iba, I have to keep myself busy with other things para ma-overcome ko ‘yung mga iyon. Kaya pahinga na muna ako. Comedy or drama naman para iba. Para kapag natulog ako, masaya!” tawa pa ni Lovi.

Patuloy pa rin ang papagandang ratings ng kanyang afternoon series na Yesterday’s Bride.

 

Show comments