MANILA, Philippines - Patuloy ang pamamayagpag ng eco-fantasyang Enchanted Garden sa iba’t ibang rehiyon ng bansa matapos nitong maungusan ang ilan sa primetime drama series ng GMA sa Dagupan, Cebu, Davao, Cagayan de Oro at General Santos City mula Setyembre 16 hanggang Nobyembre 30, ayon Metro City TV Audience Measurement (MCTAM) ng Nielsen Media Research.
“Masayang-masaya ang buong pamunuan ng TV5 sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa Enchanted Garden. Hindi birong itapat ang isang serye sa established news programs ng dalawang network kaya’t nagpapasalamat po kami sa pagtangkilik niyo sa aming mga programa gabi-gabi,” ayon kay Perci Intalan, First Vice President for Creative and Entertainment Production ng TV5.
Nakakuha naman ng 6.2 percent AMR (23.2 percent audience share) ang Enchanted Garden sa Metro Cebu.