Young talent mahilig mangulimbat ng kendi!

Mahilig mangurakot ng lafang ang isang young talent. Dampot nang dampot ng mga prutas at kendi na naka-display sa isang party na naroon kami kaya kitang-kita namin.

Inilalagay sa kanyang small bag ’yung nakukuha sa mesa.

Bistek pabor na pabor sa pag-aartista ng anak

Last movie na ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion. Sa episode na Pamana siya kasama nina Arlene Muhlach at Janice de Belen. Gustuhin man ni Bistek na gumawa pa ng isang pelikula na alok sa kanya ni Mother Lily Monteverde, hindi niya tinanggap dahil Pebrero na ang campaign period ng mga kandidato sa 2013 elections.

May sinusunod kasing requirements ang mga kandidatong artista.

At saka mas gusto ni Bistek na ipagpatuloy ni Harvey Bautista ang pag-aartista.

Si Harvey, 11 years old, ay ang anak niya na nagpapakita na ng galing sa pag-arte. Isa siya sa main stars sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

 

Show comments