apl.de.ap gustong subukan si Kris Aquino!

 Isa sa nagbigay ng ningning sa premiere screening ng Metro Mania Film Festival (MMFF) entry na El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story ay ang pagdating ni apl.de.ap ng sikat na US pop band na Black Eyed Peas.

Si apl.de.ap ang nag-compose at ku­manta ng isa sa mga theme song ng movie na may pareho ring title.

As we all know, si Allan Pineda in real life ay isang Pinoy na ipinanganak sa Pampanga. Pero kahit sikat na sikat na ang kanyang grupo hindi lang sa US kundi sa buong mundo, nanatili pa rin ang pagiging Pilipino niya at never niyang kinalimutan ang bayang pinagmulan.

Kaya naman say niya, isang malaking karangalan para sa kanya ang mapili na kumanta ng theme song ng isang historical movie tulad ng El Presidente na tumatalakay sa ating bayaning si Gen. Emilio Aguinaldo.

Sa panayam ng media kay apl.de.ap sa premiere screening, sinabi niyang gusto niyang subukang umarte sa ating mga local film. In fact, gusto niyang makasama sa mga comedy film at makatrabaho sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon o kilalang TVJ. Gusto rin niya ang ideyang makasama si Kris Aquino.

Samantala, sa premiere screening pa lang ay isang malaking tagumpay na ang tinamo ng pelikulang pinagbibidahan ni Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa dalawang sinehang pinagdausan nito sa Mall of Asia ay parehong punung-puno ito ng tao.

Hindi nakarating si Superstar Nora Aunor sa screening dahil may taping ito pero ang isa pang leading lady na si Cristine Reyes ay naroroon.

Siyempre present din ang iba pang cast pati na ang buong pamilya ni Gov. ER sa pangunguna ng kanyang asawang si Maita Sanchez.

El Presidente is directed by Mark Meily at showing na sa Dec. 25. trahedya naman ang pinagdaraanan ng kanyang karakter sa kanyang fantaserye na si Aryana dahil ayaw siya talagang tigilan ng mga kontrabidang sina G. Toengi at Michelle Vito.

  

         

Show comments