MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagiging abala ng pamilya Revilla sa pangunguna nina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado at Andeng Bautista-Ynares sa kani-kanilang trabaho sa pulitika at showbiz career lalo’t busy si Bong ngayon sa promotion ng kanyang MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng at si Ako ay naglalaan talaga sila ng panahon na makasama at magbigay ng saya sa mga manunulat na sumusuporta sa kanilang pamilya.
At gaya nang nakaugalian ng pamilya Revilla sa pagse-celebrate ng Christmas at New Year, traditionally ay sa meaningful way nila ito ginagawa gaya ng bonding, thanksgiving and sharing of blessings sa kanilang constituents at sa mga nangangailangan.
Sa bahay sila nagno-Noche Buena at sa araw ng Pasko ay magkakasama na sila sa isang hotel kasama ang buong pamilya at mga apong sina Gab, Alexa, and Inigo.
“Nakasanayan na namin na sa labas kami nagdaraos ng mismong araw ng Pasko. Nagsisimba at sabay-sabay na nagdarasal ng pasasalamat sa walang sawang biyayang binibigay ng Maykapal. After that, kami naman ang dumadalaw sa aming kamag-anak,” sey ng Bacoor Representative Lani Mercado.
Kuwento naman ni Senator Bong, “We see to it na magkakasama kami tuwing Christmas day. Kasama si Daddy (former Senator Ramon Revilla Sr.), nagi-gift giving kami sa aming mga mamamayan ng Bacoor. Madalas pagkatapos nito nasa sinehan naman tayo para kamustahin ang lagay natin sa MMFF.”
Diin pa ni Congresswoman ukol sa selebrasyon ng Pasko : “Ang sabi, ang pasko ay para lang sa mga bata. Hindi tayo naniniwala diyan. Ang Pasko ay para sa lahat, maging sino ka man,” pahayag ni Sen. Bong na magbibigay ng relief goods to the victims of typhoon Pablo through his Kaagapay sa Araw ng Pangangailan (KAP) relief effort.
Pagdating ng new Year, sasalubungin nila ang 2013 sa Imus Cathedral naman.
“Iyon na ang kinaugalian nina Bong mula pa noong bata pa. Iyon ang ginagawa ng pamilya bilang pagsalubong sa bagong taon. Nagpapaputok, nagsisindi ng kuwitis,” sabit pa ni Congresswoman.