MANILA, Philippines - May dinaramdam na naman daw ang isang female celebrity. Kasi naman daw, hiwalay na naman sila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Although hindi lang minsan nangyari ang splitan nila, itong latest na raw ang pinakamatindi, huh!
Kaya naman daw si female celeb, gusto nang magpatingin sa isang psychiatrist kung siya ba ang may problema o ang lalaki, huh!
Pero base sa nakakakilala sa female celeb, mas lamang ang kakulangan sa kanya kesa sa boyfriend niya!
Lj matagal natigang
Finale na ngayong Sabado ng The Amazing Race Philippines. Ang tatlong tandem na maglalaban-laban sa P2M ay sina Mark at Kat, LJ Moreno at CJ at magbayaw na Fausto at Dayal.
Tikom ang lahat sa grand winner na sa Saturday malalaman. Sa halos isang buwan na labanan sa TARP, nakakatuwa ang pahayag ni LJ dahil muli niyang nakasama ang asawang si Jimmy Alapag.
Siympre natigang siya sa piling ng asawa kaya naman daw after ng race, umaatikabong aksyon ang naganap agad sa dalawa!
“Bumawi naman kami agad! Alam n’yo na yon! Hahaha!” bulalas ni Mrs Alapag.
Ang classic na pares sa amin ay ang magbayaw. Lagi kasing nasisigawan ni Dayal ang taxi driver na bayaw dahil na rin sa kagustuhan nilang manalo.
Hindi naman daw isyu kay Mark ang taray sa kanya ni Kat. “Dagdag stress lang! Hahaha!” rason ng gym buff na nakahamig na ng P1.2M dahil lagi sila sa first place. (Tito ba’t parang ang bilis naman. Minadali ba? SVA)