Producer na inisahan ng co-producer hindi magdedemanda, ipauubaya na lang sa karma

Napakabait talaga ng producer na ito. Minsan pala ay nakipag-co-produce siya sa ibang production at may contract silang pinirmahan. Kahit siya dapat ang unang mag-showing ng movie niya sa playdate na nakuha niya, hiningi ito ng co-producer (CP) niya na sila na ang unang mag-showing at pumayag naman ang mabait na producer (MNP). 

Ang siste, nang matapos mag-showing ang movie ni CP ay hindi na sila nag-cooperate sa promo ng pelikula ni MNP. May nag-advice kay MNP na magdemanda siya dahil may contract naman sila pero sabi niya ay huwag na raw. Ipinagpasalamat na lamang niyang tinulungan siya ng isa pang producer at naipalabas naman niya ang trailers niya sa ibang network. 

Nasabi na lamang ng source namin kay MNP na may karma naman. Na totoo dahil hindi naman masyadong pinag-usapan ang pelikula ni CP.

Raymart binuking si Randy na napapalayas sa bahay ng misis!

Guests kahapon ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang Sarap Diva cooking show sa GMA 7, 10 a.m., ang magkapatid na Randy at Raymart Santiago na parehong mahusay magluto bukod pa sa dinarayo ang Red Garlic restaurant ni Raymart with his friends sa Katipunan in Quezon City. After nilang magluto, humingi ng message si Regine sa magkapatid at nauna si Raymart. 

“Puwede kang matulog sa bahay namin,” biro ni Raymart.  “Minsan kasi hindi maiwasan na hindi magkasundo ang mag-asawa, kaya kung minsan, napapalayas ka sa bahay mo. Kahit ako ang bunso, nasa likod mo lamang ako. Handa kitang tulungan.” 

“Totoo iyon, noong araw, pero ngayon hindi na. Mabait na ako,” sagot ni Randy. “Pero kami namang mga Santiago, sumusuporta kami sa iyo, sa lahat ng pinagdadaanan ninyo ni Claudine (Barretto), nasa likod lamang ninyo kami.”

Jessica Soho personal na makikiramay sa Compostela Valley

We offer a prayer pero hindi namin matingnan sa TV ang mga nakahile­rang nasawi dahil sa pagkasalanta ng maraming lugar sa Mindanao, dulot ng bagyong si Pablo. 

Kaya naman ang award-winning journalist na si Jessica Soho ay personal na nagtungo sa Compostela Valley sa Davao para makita ang tragic fate na inabot ng mga kababayan natin doon. 

Ilalahad din ni Jessica sa kanyang Kapuso Mo, Jessica Soho kung ano ang tunay na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming buhay at properties, samantalang ilang araw pa bago dumating ang bagyo ay marami nang paghahandang ginawa ang mga local government at nagsabing handang-handa na sila sa pagdating ng bagyo. Nasa bago nang timeslot ang Kapuso Mo, Jessica Soho na mapapanood na mamaya at 7:15 p.m. sa GMA 7.                       

 

Show comments