Inaasahan na namin, oras na magsimula ang labanan ng mga lider relihiyoso at dalhin iyan hanggang sa pelikula, tiyak na marami ang susunod. Matapos na gumawa ng announcement ang Iglesia ni Cristo na gagawin nila ang bio film ng kanilang founder na si Ka Felix Manalo, may announcement naman agad si ER Ejercito na ang gusto niyang gawing kasunod na proyekto ay ang film bio ni El Shaddai leader na si Bro.Mike Velarde.
Hindi kami magtataka kung mayroon ding mag-ambisyong gumawa ng pelikula ng buhay ni Ka Ellie Soriano ng Ang Dating Daan.
Pero hindi basta-basta ang pelikulang binabalak ng Iglesia. Sinasabi nga nilang walang limit ang kanilang budget sa pelikulang iyan. Papaano mo nga naman titipirin iyan eh simula iyan sa buhay ni Ka Felix, tapos si Ka Erdie, at ngayon pati na ang mga ginagawa ni Ka Eduardo.
Ipagpalagay mo nang libre na sina Richard Gomez, Albert Martinez at Bong Revilla, eh iyong ibang mga artista? Ang magastos pa riyan iyong CGI. Kasi papaano mong ipapakita ang pagsisimula ni Ka Felix doon sa compound ng Atlantic Gulf and Pacific Company sa Punta, Sta. Ana eh matagal nang wala ang kumpanyang iyon. Para maipakita mo nang mahusay ang simula ng kanilang ministry kailangan na agad ang CGI.
Period iyan eh, isipin ninyo ang panahong iyon, 1914.
At iyan, para naming nakikinikinita na mahirap ang trabaho ng mga artista sa pelikulang ididirek ni Tikoy Aguiluz. Kagaya rin iyan nang gawin ni Marilou Diaz Abaya ang Jose Rizal na kung saan niya binuo sa pamamagitan ng computer ang mga tanawin sa Intramuros noong panahong iyon.
Costume lang niyan mahirap na eh, dahil iyon ang panahong nag-aagaw pa ang kulturang Kano at Kastila sa mga pinoy, kaya pati ang pananamit nila magkakaiba pa.
Kung sabagay, tiyak naman ang gagawin nila riyan sa una ay puro special screening muna para makabawi ng puhunan at saka na nila iyan ilalabas nang regular run kung nasagad na nila ang posibleng kitain niyan.
Iwa certified sinungaling
Ngayon inaamin na ni Iwa Moto na nagpakasal na nga pala sila ni Mickey Ablan noon.
Sa totoo lang, hindi talaga namin maintindihan kung bakit may mga artistang pumapasok sa isang relasyon tapos ayaw naman nilang panindigan. Kung iyon, sa simula’t simula pa ay inamin na nila, baka mas naiwasan pa ang mga controversy.
Komedyante inayawan nang nakarelasyong driver dahil sa sobrang katakawan sa sex
Nagkukuwento ang driver ng isang TV host kung papaanong noong araw na halos nagsisimula pa lamang ay nagkaroon sila ng relasyon ng isang sikat na ngayong female star comedian. Sinasabi pa ni driver na siya raw ang hindi tumagal, dahil ang sexy star comedian ay talagang napakahilig sa sex.