Baron kinakantiyawan ng inuman sa shooting

Pumayag si Nora Aunor sa request nina Gov. ER Ejercito at Direk Mark Meily sa dagdag eksena sa pelikulang El Presidente para sa Metro Manila Film Festival entry nila.

Tinapos ng Superstar ang nasabing eksena nung isang linggo sa Bagali, Bataan. Kasama rin sa eksena sina Gov. ER, Bayani Agbayani, Archie Adamos, at Baron Geisler.

Walang narinig na reklamo kay Ate Guy na duma­ting sa shooting ng alas-tres ng hapon pero natapos ang kanyang trabaho ng 2 a.m. na kinabukasan. Tinuhog kasi niya ang pictorial para sa pelikula.

Natuwa ang lahat sa pagiging game ng aktres sa paglalagay sa kanya makeup at prosthetics para bumagay na maybahay ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Samantala, nakatikim naman ng kantiyaw si Baron sa mga kasama na baka umumbag siya uli dahil party ang eksena sa shooting at baka raw tablan naman ng alak. Hindi naman napikon si Baron at game na nginitian lang ang mga biro ng cast at crew.

Alden naiinggit sa pagpapalipad ng eroplano nina Isabelle at Ian

Saludo si Alden Richards kina Isabelle Granada at Ian Veneracion dahil parehong mga piloto ang mga ito sa kabila na mga artista rin sila. Pangarap ni Alden na maging piloto rin balang araw. Amazed pa siyang malaman na kahit high school graduate si Ian ay nagawa nitong magpalipad ng mga private plane.

Pero mas bilib siya kay Isabelle dahil isa itong aeronautic engineer. Pangarap kasi ng daddy ni Alden na maging piloto at siya raw ang tutupad nito balang araw. Pero mag-iipon muna siya para makapagtabi ng pera at pag may time na siya mag-aral ng flying courses. Alam kasi niyang madugo ang tuition fee. Kaya magsisipag muna siya sa kanyang career habang marami pang trabaho ang ibinibigay sa kanya ng GMA Network. 

Alyssa nalimas ang mga ipon

Nakabalik na sa Startalk si Alyssa Alano mula sa kanyang aksidente kung na-confine  siya nang halos two weeks sa ospital. Parang walang nangyari sa TV host na mas lalo pang sumeksi at gumanda dahil pumayat.

Kaya lang halos naubos daw ang ipon ni Alyssa dahil malaking halaga ang ibinayad nito sa ospital at ang pag-aareglo sa taong sangkot sa aksidente.

Hihintayin munang tuluyang umokey ang sugat sa loob ng tiyan niya bago tuluyang galawin ni Dr. Vicki Belo ang kanyang peklat sa tagiliran na maganda naman daw ang pagkakatahi.

Pero nakapag-taping na si Alyssa sa Pepito Manaloto bilang guest sa nasa­bing palabas at ganun din sa episode ng Tunay na Buhay na GMA 7.

 

Show comments