MANILA, Philippines - Selyado at legal na ang pagiging mag-asawa ng showbiz couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Sweet na sweet ang bagong kasal sa sorpresang pagdiriwang kahapon, Nov. 15, na ginanap sa Fernbrook Gardens sa Las Piñas City.
Ang ilan sa mga principal sponsor ay sina Eric Quizon, Grace Poe-Llamanzares, Cory Vidanes ng ABS-CBN, at Sharon Cuneta. Dinaluhan din ng mga piling malalaking bisita mula sa entertainment circuit ang kasal nina Zoren at Carmina.