Direk Erik Matti nahirapang paghubarin si Yam Concepcion

Hindi pala basta-basta napili lang ang bagong sex goddess ng Viva Films na si Yam Concepcion para magbida sa nalalapit nang ipalabas na sexy movie na Rigodon.

Ayon sa kuwento ni Direk Erik Matti, almost 40 girls ang tiningnan nila para mahanap ang tamang aktres para gumanap sa role na Sarah.

“Hindi madali ang paghanap namin kasi we were looking for that

“Marami kaming tiningnan na mga girls at maraming magaganda at sexy. But when Yam came in, she was the one we were looking for. Tamang-tama siya for the role,” puri ng direktor.

Pero kailangan pang i-convince pa si Yam para gawin ang bold film dahil maraming nudity ang gagawin nito.

“Mas kinausap ko ang mother ni Yam. I explained to her what her daughter will do sa movie. Noong ma-convince ko na ang nanay, si Yam na ang kinausap ko.

“Hindi madaling ma-convince si Yam kasi hindi naman siya ‘yung basta na lang nag-aambisyong mag-artista. She came from a decent all-girl school at nakatapos siya ng college. Kaya alam niyang may ibang future siya just in case she does not accept this movie.

“Noong finally na-convince na namin siya, she cooperated with us. Wala kang makitang pag-iinarte kasi she trusted me kaagad,” kuwento ni Direk Erik.

Kahit sa leading man ni Yam na si John James Uy ay dumaan din sa audition. Kabilang na ang anak ni Tirso Cruz III na si Bodie Cruz.

“Bodie was willing to do all the sex scenes. Pero he was too tall for Yam noong pinagtabi namin sila. Medyo distracting tingnan sa screen kasi petite si Yam, eh.

“When we saw John James, he fits the role. And he was also cooperative sa mga scene niya with Yam. Wala akong narinig na reklamo from him,” sabi ng direktor.

Sa Nov. 21 ipapalabas ang Rigodon at kasama rin sa cast si Max Eigenmann.

Barbie sobrang pasasalamat sa chemistry nila ni Derrick

Nagpapasalamat ang Kapuso Tween Queen na si Barbie Forteza dahil sa magandang ratings na nakuha ng pilot week ng pinagbibidahan niyang telefantasya sa GMA 7 na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

Patunay lang na kahit iba na ang nakakatambal ni Barbie ay tinatangkilik pa rin siya ng kanyang mga tagahanga.

 “Very thankful po ako sa mga sumusuporta sa show namin na Paroa. Alam ko na malaking pagsubok ulit ito para sa akin dahil bukod sa iba ang role, hindi ulit si Joshua (Dionisio) ang partner ko,” sabi ni Barbie.

    

 

Show comments