Katatakutan na ng mga bata: Pulitiko na sa ibang bansa panagparetoke, hindi na gumagalaw ang mukha

Retokadong-retokado ang face ng isang pulitiko. Ang tsismis, bumiyahe pa sa ibang bansa ng pulitiko para ipaayos ang kanyang mukha.

In fairness, kuminis at nabanat ang face ng politician pero malaki ang ipinagbago ng kanyang hitsura.

Halos hindi na gumagalaw ang kanyang mukha kapag nagsasalita siya as in pareho na sila ng facial expression ng aktres na madalas magpatsugi ng mukha.

Wala yatang nagsasabi sa pulitiko na mas okay ang kanyang original face. Huwag na siyang magtaka kung sakaling matakot sa kanya ang mga batang paslit dahil hindi pleasant tingnan ang mukha niya.

Anak nina Christopher at Sandy pang-beauty queen ang ganda

Kasama nina Sandy Andolong at Christopher de Leon sa pictorial ng Pahiram ng Sandali ang kanilang anak na future beauty queen, si Mariel.

Pinagupitan ni Mariel ang kanyang buhok na mahaba kaya lalong lumitaw ang kanyang natural na kagandahan. Nag-aaral yata ang bagets na maging makeup artist kaya sumama siya sa pictorial ng bagong primetime show sa GMA 7 ng kanyang mga magulang.

Marami ang nagkukumbinsi kay Mariel na sumali sa beauty contest at malay natin, baka subukan na niya ang kanyang kapalaran sa susunod na taon.

Ex-EB babe Saida, ngarag na ang hitsura

Marami ang nagagandahan kay Saida Diola noong mainstay pa siya ng Eat Bulaga. Si Saida ang former EB Babe na nagbabu sa Eat Bulaga at contestant ngayon sa The Amazing Race Philippines.

Wondering ang fans ni Saida dahil nagbago ang kanyang hitsura. Hindi na siya fresh looking at parang laging ngarag. Epekto ba ’yon ng pagsali niya sa reality game show ng TV5 o talagang nag-mature na ang kanyang mukha?

Noong mainstay pa siya sa Eat Bulaga, may mga aktor na na-link kay Saida dahil very pretty nga siya. Hindi ko na papangalanan ang mga aktor dahil nananahimik na sila sa piling ng kanilang mga girlfriend.

VJ na nagtatalak sa LRT guard nagrereklamo ng cyberbullying dahil sa kumakalat na video

Hindi ko pa napapanood ang video ng Amalayer na hit na hit ngayon sa social media. Ang kuwento sa akin, nakunan ng video ang pagtalak ng isang babae sa lady security guard sa isang LRT (Light Rail Transit) station.

Umani ng batikos ang Ingliserang babae dahil sa pag-eeskandalo niya sa lady guard. Mabilis na pinatulan ng mga diyaryo at TV show ang video ng Amalayer na nagkaroon ng showbiz angle dahil aspiring video jockey o VJ ang talakerang babae na nagrereklamo ngayon na biktima siya ng cyberbullying.

Ang pagtalak ng babae ang nakita sa video pero hindi nakunan ang puno’t-dulo ng kanyang galit. May mga camera sa LRT at dapat mapanood ang kabuuan nito dahil baka may katuwiran naman ang todong pag-eeskandalo ng babae na kinilala sa pangalan na Paula Jamie Salvosa.

Regine sosorpresahin sa sariling concert

Reminder: Tonight na ang Silver anniversary concert ni Regine Velasquez sa The Arena ng Mall of Asia.

Thank you uli kay Regine, sa kanyang kapatid na si Cacai Mitra, at kay Jun Lalin dahil sa complimentary tickets na ipinadala nila sa akin.

Special guests ni Regine sa kanyang concert sina Janno Gibbs, Lani Misalucha, at siyempre, ang mister niya na si Ogie Alcasid. Puwedeng may mga surprise guest pero hindi alam ni Regine dahil surprise nga ’no?!

Show comments