Napapayag ni Korina Sanchez si Maricel Soriano for an exclusive interview sa Rated K na inere last Sunday. Kilala nating lahat ang Diamond Star na talagang mailap sa interview kahit noon pa kaya malaking bagay na nagawa ito ng nasabing show.
‘Yun nga lang, obvious na marami pa ring iniwasang topic si Korina at hindi mo masasabing tell-all-interview kung baga. Walang mga matitinding pasabog pero ok na rin since mahirap ngang i-pin-down si Maria sa mga ganyan.
Anyway, ang isang rebelasyon sa panayam ay inamin ni Maria na dumaan siya sa depresyon kaya nawala siya for a while.
Ayon sa aktres, talaga raw pinilit niya ang sarili na makalabas sa sitwasyong ‘yun.
“Tinulungan ko talaga kasi kung hindi, siguro until now, nandudun pa ako. Malungkot pa rin ako, e, ayoko nang maging malungkot. Gusto ko na talagang muling masaya,” she said.
Mga two years din daw ‘yun na lulubog-lilitaw stage siya at ‘yun nga ay dahil may dinaramdam siya at ito ay dahil sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang inang si Mommy Linda noong 2009 at ng kanyang manager/trusted friend na si Wyngard Tracy noong 2010.
Ngayon daw ay ibang-iba nang Maricel ang humaharap sa tao at malayung-malayo sa Maricel Soriano na nakilala natin years back.
Aminado rin si Maricel na may kulang pa para maging kumpleto ang happiness niya right now pero hindi niya ma-pinpoint.
“Pero nararamdaman ko na paparating na,” she said.
ELLA HINDI TAKOT SA PAROA
Hindi issue kay Ella Cruz ng Aryana na may bago silang katapat na programa sa GMA 7, ang Paroa: Ang Kwento ni Mariposa at halos kasing-edad niya rin ang bidang si Barbie Forteza.
Say niya ay hindi naman daw siya nakikipagkumpetensiya kanino man.
“Para sa akin po, ginagalingan ko na lang po sa trabaho ko kasi mas mainam po na mag-focus na lang ako kung paano ako mag-iimprove sa napili kong craft kaysa po makipag-compete ako sa iba,” sabi ni Ella.
Naniniwala naman ang Kapamilya primetime princess na patuloy pa rin silang tututukan ng TV viewers dahil sa mga susunod na kapanapanabik na eksena sa buhay ni Aryana.