Dahil sa tambak na trabaho, Kris muntik nang ma-stroke!

MANILA, Philippines - Wake up call para kay Kris Aquino ang biglaang pagdala sa kanya sa ospital after ng taping ng kanyang Kris TV. Inireklamo niya ang pananakit ng ulo at kung hindi pa sa pag-obliga ng mga kapatid, hindi pa siya magpapadala sa ospital, huh!

Sa post ni Kris sa kanyang Instagram, ibinalita niyang umabot sa 200/110 ang kanyang blood pressure! Kung hindi raw naagapan, baka stroke ang dumale sa kanya.

Na-realize ng host-actress ang pagiging overworked niya to the point na naisasakripisyo na niya ang kahalagahan ng maaayos na kalusugan. So kailangan niya munang mag-sign off habang nagpapagaling.

Ang lubos na maaapektuhan sa pagkakasakit at gagawing pamamahinga ni Kris ay ang shooting niya para sa Etiquette For Mistresses na target ang September 16 playdate, huh! Eh, ‘yung festival movie kaya nila ni Mayor Herbert Bautista, may sabit din kaya?

Anyway, kahit nagkasakit, natutuwa naman si Kris sa mga pasasalamat ng mga ilang taong apektado sa plano ng Customs na buksan ang mga balikbayan boxes na padala ng ating OFWs.

Vice dismayado sa laplapan nina Daniel at Kathryn

May natuwa pero may nabuwisit ding fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa inaasahang halikan ng dalawa sa Pangako Sa ‘Yo nu’ng Lunes. Kasi naman, nang hahalikan na ni Daniel si Kath matapos ang eklay na pangako sa isa’t isa, binago ang anggulo ng kamera, huh!

Nakatalikod si Daniel na humalik sa nakaharap na Kathryn base sa pics na aming nakita sa ABS-CBN online. So hindi nila alam kung naglapat talaga ang labi ng dalawa, huh!

“Hopia (hoping) na naman kami!” tweet ng isang dismayadong fans. Hindi raw ‘yon ang halik na gusto nila ayon sa isa pang fan!

Maging si Vice Ganda ay dismayado rin base sa tweet niya. “Matitikman ninyo ang lupit ng batas ng HOPIA!!!”

Kayo naman, baka may provisions sa contract nila sa TV commercials na bawal maghalikan ang dalawa, huh! Saka siyempre, pautot ‘yon para lalong panoorin ng tao ang teleserye!

 ‘Yun nga lang, kung ikukumpara sa AlDub loveteam na hindi na kailangang maghalikan pa para umabot ng 2.5-M ang tweets, kailangang gumawa ng pakulo ang loveteam upang umabot ng mahigit 2-M ang tweets nila, huh! What more kaya kung finally, magkita na sina Alden at Yaya Dub sa KalyeSerye nila sa Eat Bulaga?

Baka 5-M o mahigit na tweets na ang ipasabog ng AlDub Nation, huh!

Pagiging taong grasa ni Lovi, pinagtawanan

Nabiyayaan din ang episode ng Beautiful Strangers (BS) last Monday sa premiere ng MariMar. Hindi man pumasok sa Top 10 trending hashtag sa Twitter ang drama series nina Heart Evangelista at Lovi Poe, pinag-usapan sa social media ang eksena kung saan taong grasa ang character ni Lovi.

Deskripsyon nga ng aktres sa character niya ay Palaboy 101 kung saan tawa nang tawa ang kanilang followers at ng show sa Twitter, huh! Pati na sa eksenang niregaluhan ni Rocco Nacino ng martilyo ang lumabas na anak sa GMA-7 series.

Mas masipag nga lang mag-tweet ang lovers na sina Lovi at Rocco kumpara kay Heart, huh! Mabigat ang katapat nilang shows sa Kapamilya Network kaya triplehin nila ang effort nang sa ga­yun, maging bongga ang BS sa social media, huh!

 

Show comments