Bossong, Hoffman target ang Olympic berth

MANILA, Philippines — Umaasa sina Fil-Americans Victoria Bossong at Lauren Hoffman na makakapagbulsa sila ng tiket para sa darating na Olympic Games sa Paris, France sa Hulyo.

Kasalukuyang sumasabak sina Bossong at Hoffman sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nagsunite ang 21-anyos na si Bossong ng 2:00.92 sa women’s 800 meter run sa Pepsi Florida Relays noong Marso na isa sa pinakamabilis na naitala ng isang US NCAA Division I runner sa 2024 season.

Malapit ito sa Olympic standard na 1:59.30.

“This is a dream of mine for a long time, the greatest opportunity of a lifetime,” sabi ni Bossong na ang inang si Annie Yaco Atienza ay tubong Puerto Galera at nakabase sa Maine, USA.

Inaasahang makukuha ni Bossong ang kanyang Philippine passport sa pagsali niya sa 800m event.

Hangad din ni Hoffman na makabunot ng Olympic berth sa women’s 400m hurdles.

“I will accomplish the goal of making the Olympics, I’m trying to do that,” ani Hoffman sa Paris standard na 54.85 segundo.

Show comments