2nd spot inupuan ng Letran

MANILA, Philippines — Napalaban ng todo ang Letran Lady Knights bago nasikwat ang 25-20, 25-27, 20-25, 25-12, 15-9 panalo kontra sa San Sebastian College-Recoletos Lady Stags sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Arena kahapon.

Nirehistro ng Lady Knights ang 7-2 record, lumanding sila sa second spot matapos ang elimination round.

Mag-aabang ang Intramuros-based squad Letran sa mananalo sa knockout duel sa pagitan ng No. 3 Lyceum of the Philippines University at No. 4 Arellano U.

Nasungkit ng defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers, (9-0) ang top seeding, pangatlo ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates, (6-3) at nasa No. 4 ang Arellano University Lady Chiefs, (6-3).

Stepladder ang bakbakan sa semis dahil diretso na sa Finals ang Lady Blazers matapos nilang walisin ang nine-game elims round.

Medyo mahaba-haba ang pahinga ng Lady Bla­zers bago sila sumabak sa best-of-three finals.

Si Yen Martin ang kumana sa opensa para sa Letran matapos ilista ang 11 points lahat galing sa spikes.

Show comments