Lady Chiefs diretso sa semis

MANILA, Philippines — Swak sa Final Four ang Arellano University Lady Chiefs matapos nilang talunin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 25-16, 25-16, 25-16 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre kahapon.

Balik sa semifinals ang Lady Chiefs nang wa­lisin sa tatlong sets ang Lady Bombers dahil kung u­mabot sa four sets ay ang Mapua University Lady Cardinals ang papasok.

Nakopo na ng defen­ding champions College of Saint Benilde Lady Blazers, Lyceum of the Philippines Lady Pirates at Letran Lady Knights ang No. 1, 2, 3 seed ayon sa pagkakasu­nod.

Parehong tumapos sa 6-3 karta ang Arellano U at Mapua pero nasikwat ng una ang No. 4 dahil sa mataas na points at sila ang papalo sa stepladder 1.

Sa unang laro, tinalo ng Mapua ang San Beda University, 25-21, 26-24, 22-25, 25-13.

Humataw si rookie opposite hitter Raissa Ricablanca ng 22 points kasama ang 19 attacks at talong blocks para sa Lady Cardinals.

Show comments