Azkals sasabak kontra Chinese-Taipei sa Peace Cup

MANILA, Philippines Makikipagtuos ang Philippine Azkals ngayong gabi, Miyerkules, sa Chinese-Taipei sa simula ng tangkang pag-depensa ang kanilang titulo sa PFF Peace Cup sa Rizal Memorial Football Stadium.

Haharapin ng Azkals ang Chinese-Taipei team nitong alas sieste nang gabi para sa finals berth sa kumpetisyon na kinabibilangan din ng koponan ng Myanmar at Palestine, na kapwa mag-bubukas ng laro dakong alas kwartro ng hapon.

Ang torneyo ay gagawin na lamang sa loob ng dalawang araw dahil sa utos ng International Football Federation.

Ang mga mananalong koponan sa dalawang laro ngayon ay maglalaban para sa gintong medalya sa Sabado ng gabi habang ang mga talunan ay mag-aagawan sa bronze medal.

Show comments