MANILA, Philippines - Magpapadala ang Pilipinas ng 58 atleta, kabilang na ang walong beterano ng London Paralympics, para sa 7th Asean Paragames na nakatakda sa Enero 14-20, 2014 sa Myanmar.
Sina table tennis ace Josephine Medina at bemedalled powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta ang babandera sa deÂlegasyon na naghahangad na malampasan ang pagiÂging fifth-placer sa nakaraang edisyon na idinaos sa Solo, Indonesia.
Sa London Paralympics ay nakapasok si Medina sa semifinal round sa individual C8 competitions at hangad na makaabante sa gold medal round sa Myanmar.
Puntirya naman ng 2000 Paralympics bronze medalist na si Ancheta ang kanyang ikaanim na sunod na Asean Paragames gold.
Ang iba pang London PaÂralympians ay sina Achelle Guion at Agustin Kitan sa powerlifting at Roger Tapia, Andy Avelana at Isidro Vildosola sa athletics.
Maaasahan din si swimmer Ernie Gawilan na isang triple gold medaÂlist at record-breaker sa nakaraang Asean tilt.
Humakot ang bansa ng 23 golds noong 2011 sa likod ng seven-gold harvest ni Gawilan at ng swimming team.
Sasabak ang mga Pinoy Paragamers sa table tennis (seven), swimming (six), athletics (17), poÂwerlifting (four), chess (10), wheelchair basketball (12) at archery (2).