Pierce pinagmulta ng NBA

MANILA, Philippines - Pinagmulta ng NBA si Brooklyn Nets forward Paul Pierce ng $15,000 para sa kanyang fragrant foul kay George Hill ng Indiana Pacers.

Nagtuos ang dalawang koponan noong Lunes at nangibabaw ang Pacers, 103-86.

Napatalsik si Pierce sa ikatlong yugto matapos tamaan sa leeg ng kanyang kamay si Hill.

Naagaw ni Hill ang bola at bumubulusok sa kanilang court para sa isang layup nang tangkain na pigilin ni Pierce.

Pero ang kanyang kamay ay tumama sa leeg nito na tilang isang ‘clothesline tackle’ para sa fragrant 2 foul na tawag ng mga referee at awtomatikong pagpapatalsik sa laro.

Sa review ng NBA noong Martes, nakita nilang tama ang tawag ng referee dahil sumobra ang contact na ginawa ng dating Boston Celtics na lumipat sa Nets sa season na ito para gawaran pa ng multa.

Show comments