Hindi lamang ang ‘ordinaryong’ mamayan ang apekÂtado ng malakas na ulan. Pati rin ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na kinakailaÂngang gumawa nang kung anu-anong paraan para maÂkasakay at makarating lamang sa laro.
May nag-MRT, may naka-hitch sa motorsiklo, may naglakad na lamang at sinugod ang baha. Pero sabi nga, the show must go on.
Isa sa malaking ‘rebelasyon’ sa panig ng San MiÂguel Coffee Mixers ang mga second stringers ni San Mig Mixers coach Tim Cone na sumalo sa mga na-late na players.
Bukod dito, ipinakita ng koponan ang tunay nilang karakter. Ang mga players na sina Mark Barroca, Allein Maliksi at PJ Simon ay talaga namang nag-level up ng kanilang mga laro dahil kinakailangan.
Apektado rin naman ng pagiging late sina James Yap at JVee Casio na hindi nakuha ang kanilang mga ritmo sa laro dahil sa agad na pumasok sa game. Pati nga si Alaska coach Luigi Trillo ay hindi rin nakaÂyanan ang pressure kaya na-technical dahil sa dami ng pagrereklamo.
Bukod sa mga late na manlalaro, kinakailangan ding balikatin ng mga natitirang Mixers ang pagkaÂwala ng mga suspendidong sina Marc Pingris at Joe DeÂvance na nasuspindi ng tig-dalawang laro matapos makipagsuntukan sa mga manlalaro ng Globalport.
***
Humihina na ang liderato ng UAAP Board.
Sa mga nakaraang linggo may mga kuwestiyonabÂleng aksyon at shortcomings ang UAAP Board na tila nagpapakita na kinakailangang dagdagan pa o paÂlakasin nito ang presensiya sa mga laro ng UAAP.
Isa sa mga aksyong ito ay ang pagpapataw ng one-game suspension kay coach Bo Perasol at hindi pagpapasok sa mga UAAP games sa isang La Salle fan na si JJ Atayde nang walang due process. Hindi kasi pinagpaliwanag ang dalawang panig at ang pinagbaÂtayan lamang ay ang mga kuha sa video at salaysay ng mga nakakita.
Sa korte nga ay kinakailangang kunin pa rin ang statement ng mga biktima at nang gumawa ng kasalanan. Pero sa UAAP hindi na iyon kailangan.
Isa pang aksyon ay ang pagkibit balikat na lamang ng UAAP Board sa pag-upo ng isang suspendidong player ng UE na si Ralf Olivares sa likod ng bench ng kanyang koponan. Batay sa rules ng UAAP: A suspended athlete shall not be allowed to sit in the bench and its immediate vicinity during the period of suspension…a violation of the condition of the suspenÂsion shall result in the forfeiture of the game where such suspended athlete was found present
Kinakailangang hindi mag wishy-washy ang UAAP Board, kung talagang may kasalanan dapat na pairalin ang patakaran.