SMBeermen tinakasan ng Saigon Heat sa ABL

MANILA, Philippines - Sablay ang panablang tres ni import Gabe Freeman para lasapin ng San Miguel Beermen ang unang  kabiguan sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa mga kamay ng Saigon Heat, 89-92, sa Tan Binh Stadium sa Vietnam.

Si Dior Lowhorn ay may­ 27 puntos at 12 boards pero nakakuha siya ng suporta sa mga kakamping sina David Palmer at Jai Reyes para sa ikatlong sunod na panalo ng Heat matapos matalo sa unang laro at mahawakan ang liderato.

May 26 puntos at 12 boards si Palmer, habang ang Filipino point guard na si Reyes ay may 22 puntos.

Ang kanyang dalawang free throws sa huling anim na segundo bago pinagmasdan ng home team ang pagmintis ni Freeman sabay sa tunog ng final buzzer.

Nakauna ang Heat sa unang yugto, 23-20, pero nagsimulang mag-init ang Beermen sa ikalawang yugto na kanilang dinomina upang hawakan ang 46-42 kalamangan.

Show comments