Lady Falcons winalis ang 1st round

MANILA, Philippines - Blinangko ng Adamson ang UST, 3-0, para kumpletuhin ang six-game sweep sa first round ng UAAP Sea­son 75 women’s softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Sta­dium.

Humataw si Michelle Lentija ng isang homerun sa second inning kasunod ang palo ni 2012  Athlete of the Year Rizza Bernardino pa­ra sa panalo ng Lady Fal­cons (6-0) sa Tigresses (3-2).

Ito ang pang 26 sunod na panalo ng Adamson mula noong 2010-11 season.

Tinalo naman ng Natio­nal University (3-2) ang Ate­neo (0-5) sa unang la­ro, 10-4.

Show comments