Resma humataw ng dalawang titulo

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Roxanne  May Resma ang ha­ngad na dalawang titulo sa 24th Andrada Cup National Age Group Tennis Championships nang dominahin ang girls’ 18- at 16-under kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nangibabaw ang 16-anyos na si Resman kay Isabella Orteza, 7-5, 6-3, at isinunod si Khim Iglupas, 6-4, 6-2, para maging double champion.

Ang iba pang nagsipanalo ay sina Stefan Suarez sa boys’ 16-under at Mikaela Vicencio sa girls’ 12-under.

Kinumpleto ni Suarez ang pagbangon mula sa pagi­ging fourth seed nang talunin ang third seed Eric Olivarez Jr., 6-0, 7-6 (5), habang giniba ni Vicencio si top seed Carlyn Bless Guarde, 6-0, 6-3.

Ang iba pang kuminang matapos ang isang linggong torneo ay sina Diego Dayrit, Janus Ringia, Bryan Otico, Monica Therese Cruz at Andrew at Jose Cano.

Tinalo ni Dayrit si Alexandra Eala, 7-6 (5), 6-3 sa 10-under unisex; nanalo si Ringia kay Michael Eala, 7-6 (4), 6-3, sa 12-under; binigo ni Otico si Emmanuel Vacalares, 3-6, 6-3, 6-2, sa 14-under; at giniba ni Cruz si Frances Angela San­tiago, 3-6,6-3, 6-2, sa girls’ 14-under.

Show comments