Westbrook nagbida sa pananaig ng Thunder

AUBURN HILLS, Mich. -- Naglaro sa kanilang pang apat na asignatura sa pang li­mang gabi, bumangon ang Oklahoma City Thunder mula sa malamyang si­mula para kunin ang 92-90 pa­nalo laban sa Detroit Pis­tons.

Umiskor si Russell West­brook ng season-high 33 points at nagbida sa rat­sa­da ng Thunder sa fourth quarter para ipagdiwang ang kanyang pang 24 kaa­ra­wan.

Itinaas ng nagdedepensang Western Conference cham­pions ang kanilang ba­raha sa 6-2 tampok ang li­mang sunod na panalo.

Nahulog naman ang Pis­tons sa 0-8 record.

Nagtala din si Westbrook ng 10 rebounds at 4 assists para sa Thunder na bumawi sa 62-73 pagkakaiwan upang agawin ang unahan sa 75-73 sa 8:11 sa final canto.

Nagposte si Kevin Durant, ng 26 points at 9 rebounds at nagsalpak ng isang running shot sa huling 47.8 segundo na nagbigay sa Oklahoma City ng 88-85 abante.

Sa El Segundo, California, sa kanyang pag-uwi ay nabasa ni Pau Gasol sa kan­yang Twitter ang balita, ha­bang nakatanggap naman si Dwight Howard ng isang text mula sa kanyang BlackBerry.

Kagaya nina Gasol at Ho­ward, marami ding fans ng Los Angeles Lakers ang na­gulat sa balita.

Habang inaasahan ni­lang muling uupo sa bench si coach Phil Jackson, si Mike D’Antoni ang siyang mamamahala sa Lakers.

Si D’Antoni ang opisyal na papalit sa sinibak na si head coach Mike Brown.

Show comments