Magandang panimula asam ng Sta. Lucia-Montecarlo

  MANILA, Philippines - Pakay ng Sta. Lucia-Montecarlo ang magandang panimula sa pagde­pensa ng titulo sa 2nd DELeague Open Invitational Basketball Cup sa pagharap sa JEKASA Team bukas sa Marikina Sports Park gym, Marikina City.

Sisimulan ang laro sa alas-3 ng hapon at sunod na bakbakan dakong alas-5 ay sa pagitan ng Hobe Bihon at PL Global.

Ang torneong ito ay inor­­ganisa ni Marikina Ma­yor Del De Guzman para makahikayat ng mga kaba­taan na pumasok sa sports sa halip na magbisyo o magbabad sa mga computer games.

 Ang iba pang kasali ay ang ACS-Fairview Selection, Marikina-EDSECA, HOGS Team, Skyforce Selection, DSM Team, Durings BBQ, Steel Trust Corporation, Architectos, at Globe Inc.

Suportado rin ng OLOPS College, Jekasa Sportswear,  Hobe Bihon, Mckie’s Video, Simply Delicious, Luyong Panciteria at Boiengs Gym tatanggap din ang mananalong koponan ng  P150,000.00 bukod sa magarang tropeo.

Show comments