Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
12 n.n SBC vs Letran (Jrs.)
2 p.m. SSC vs St. Benilde-LSGH (Jrs.)
4 p.m. SBC vs UPHDS (Srs.)
6 p.m. SSC vs Letran (Srs.)
MANILA, Philippines - Ang Altas na ang hahamon sa nagdedepensang Red Lions sa Final Four.
Ito ay matapos talunin ng University of Perpetual Help ang Jose Rizal University, 73-68, sa kanilang playoff sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan.
Bilang No. 4 team, lalabanan ng Perpetual ang No. 1 San Beda College sa Final Four, habang magtatagpo naman ang No. 2 San Sebastian College at No. 3 Letran College.
Huling naglaro ang Altas sa semis noong 2004.
Parehong tangan ng Red Lions ni coach Frankie Lim at Stags ni mentor Allan Trinidad ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Altas ni Aric Del Rosario at Knights ni Louie Alas, ayon sa pagkakasunod.
Ipinoste ng Perpetual ang isang 14-point lead, 35-21, sa 5:29 ng second period hanggang makalapit ang Jose Rizal ni Vergel Meneses sa 57-58 agwat sa 6:26 ng fourth quarter.
Isang 11-2 atake ang ginawa nina Justine Alano, Jett Vidal at Chris Elopre para muling ilayo ang Altas sa 69-59 sa 3:55 ng laro kasunod ang ratsada nina Byron Villarias, John Lopez at Alex Almario para sa 68-70 pagdikit ng JRU sa huling minuto ng laro.
Pero muling nakalayo ang Altas sa basket nina Scotty Thompson at Nick Omorogbe sa 73-68 abante kontra sa Jose Rizal sa huling 7.4 segundo.
Perpetual Help 73 – Alano 14, Omorogbe 14, Elopre 12, Arboleda 8, Babayemi 7, Paulino 7, Vidal 6, Thompson 5.
JRU 68 – Villarias 19, Lopez 17, Dela Paz 8, Almario 7, Carampil 5, Mendoza 4, Mabulac 4, Salaveria 2, Porter 2 .
Quarters: 22-19, 41-35, 53-50, 73-68.