MANILA, Philippines - Tingnan mo ang stats.
Ito ang tugon ni Ateneo coach Norman Black bilang sagot sa tila pinalalabas ni mentor Pido Jarencio na nadaya ang UST nang lasapin ang 78-83 pagkatalo sa Game One ng 75th UAAP men’s basketball championship series noong Sabado.
“If you look at the stats of the game, it does not back up what he’s saying,” wika ni Black.
Tinuran ni Black ang malaking agwat ng Tigers sa freethrow, 26-12, at ang pagkakalagay nila sa penalty situation sa huling 8:00 minuto ng labanan.
Sina Greg Slaughter, Kiefer Ravena at Ryan Buenafe ay nalagay din sa foul trouble.
“This series will be won by the performance of the players on the basketball court and it will be won by the preparation of the coaching staff. It will not be won by the referees,” banat pa ni Black.
Naasar din ang batikang Ateneo coach sa umano ay racial discrimination na pahayag ni Jarencio na pumapanig ang mga referees sa Ateneo na hawak ng isang foreign coach.
Si Black ay ipinanganak sa US pero 32 taon ng nasa bansa at nakapag-asawa ng isang Filipina.
“Iyon ang gusto kong sabihin, anong pakialam niya,” tugon ni Jarencio sa text.
Sinabi ni UAAP Commissioner Ato Badolato na strict reprimand lamang ang kanyang kaparusahan kay Jarencio.