3-peat sa UST sa table tennis

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na taon ay hari pa rin ang UST sa 75th UAAP men’s table tennis na nagtapos noong Huwebes sa Blue Eagle Gym.

Ang graduating player na si Martin Diaz at bagitong si Alberto Bazar ang nagtulong para sa Tigers na hiniya ang La Salle, 3-0, upang makumpleto ang 2-0 sweep sa best-of-three title series.

Ito ang ika-25th na kampeonato ng UST sa dibisyon at si Diaz ang hinirang bilang MVP habang Rookie of the Year si Bazar.

“Noong pumasok ako sa team ay sinigurado ko lang na mae-enjoy nila itong UAAP. Hindi masyadong pressure para mailabas nila ang tunay nilang laro,” wika ni coach Joseph Cruz na hinalinhinan ang dating UST coach Henbert Ortalla.

 Si Ryan Jacolo ang siyang nanalo bilang MVP para sa Bullpups na hindi natalo sa lahat ng 14 na laro, kasama ang 12-0 sweep sa elimination round.

Show comments