MANILA, Philippines - Ikinalendaryo ng Union Cycliste Internationale (UCI) ang ikaapat na edis-yon ng Le Tour de Filipinas sa Abril 13-16 sa susunod na taon, ayon kay race organizer Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solutions, Inc.
Ang Le Tour de Filipinas ay ang tanging UCI-sanctioned race sa bansa.
Noong nakaraang taon ay nagkampeon si Filipino Baler Ravina matapos ang four-stage race na nagtampok sa 10 foreign at limang local teams na kumarera sa Sta. Ana, Cagayan hanggang sa Baguio City.
Inihayag naman nina Philcycling chairman Bert Lina at president Abraham “Bambol” Tolentino ang kanilang suporta para sa 2013 race.
“This is a reaffirmation by the UCI of our competence and capabilities in organizing, managing and hosting an event that enjoys international status equal to similar events held in Malaysia, Indonesia, China, Hong Kong, Japan, Australia and others,” wika ni Lina.