Younghusbands isasama na sa training camp ng Azkals sa Middle East

MANILA, Philippines - Inimbitahan ng Philippine Football Federation sina Phil at James Younghus­band para sumama sa training camp ng Azkals sa Middle East.

Ito ay matapos na ring hindi isama ng PFF ang mag­kapatid na Younghusbands sa nakaraang kampanya ng Azkals sa Philippine Football Peace Cup.

“We have invited them to the camp,” wika ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta matapos mamahagi ng imbitasyon sa mga partisipante para sa 10-day camp sa Bahrain.

Nauna nang inalis ng Azkals management at ng PFF ang magkapatid na Younghusband sa koponan.

Bagamat hindi napabilang sa Peace Cup lineup, nanatiling bahagi ang mag-utol sa national pool, ayon sa PFF.

Isasagawa ng Azkals ang kanilang training camp sa Bahrain sa susunod na linggo tampok ang mga friendlies laban sa Bahraini national team sa Oktubre 12 at Kuwait sa Oktubre 16.

Kasalukuyang nasa Singapore ang mga Younghusbands kung saan haharapin ng kanilang koponang Loyola Meralco Sparks ang Tampines Rovers sa semis ng Singapore Cup sa Sabado.

Show comments